Isabelle Daza, kinumpirma ang kanyang pagbubutis

Manila, Philippines – Matapos ang isang taong buhay may asawa, kinumpirma ng TV host/actress na si Isabelle Daza na buntis na siya.

Inanunsyo ito ni Belle sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung saan nag-post siya ng picture ng tatlong pares ng sapatos.

Sa pambatang sapatos, nakalagay ang isang sonogram.


Kasalukuyang nasa unang trimester ng pagbubuntis si Belle.

Aminado siya na mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon dahil na rin sa madalas na pagkahilo, pagsusuka, mood swings at fatigue.

Pero sa kabila ng pagbubuntis, hindi pa rin napigilan si Belle sa kanyang mga travel adventure.

Ngayong taon, pitong bansa sa buong mundo ang napuntahan ng aktres kabilang ang France, China, Japan, South Africa, South Korea, US, at Australia.

Facebook Comments