Isabelle Daza, nanganak na!

Masayang-masaya si Isabelle Daza matapos isilang ang second child nila ng asawang si Adrien Semblat sa Hong Kong.

Sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi nina Isabelle at Adrien ang larawan ni baby Valentin.

Nakasulat sa film photo ang “April 9, 2021” at ang pangalang “Valentin”.


Bukod dito, ibinahagi rin ng aktres ang larawan nila ni Adrien sa labas ng Matilda International Hospital sa Hong Kong.

Si Isabelle at Adrien ay ikinasal noong 2016 habang April 2018 nang isilang ng aktres ang first child nilang si Balthazar.

Facebook Comments