Manila, Philippines – Para sa ilang senador, hindi pa dapat ipagdiwang ang hatol na bitay ng kuwaiti court sa mag-asawang employers ni Joanna Demafelis na natagpuang patay sa loob ng isang freezer sa Kuwait.
Pinuri ni Senator Ping Lacson ang mabilis na paglilitis sa employers ni Demafelis pero ang tunay na hustisya ay makakamit aniya kapag iginawad na ang parusa sa mga ito.
Pakonswelo lang para kay Senator Sonny Angara ang nabanggit na hatol hangga’t hindi naipapatupad.
Umaasa naman si Senator Joel Villanueva na hindi magiging tagumpay lang sa papel ang nabanggit na magandang development sa kaso ni Demafelis.
Kasabay nito ay iginiit ni Villanueva sa pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga hakbang para tiyakin na walang OFWs saanman sa mundo ang mapapasailalim sa Kafala system na nagkakait ng proteksyon at pagrespeto sa kanilang mga karapatan.