Nagnegatibo sa drug testing ang nasa isang daang katao o Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology Male Dormitory (BJMP-MD) at ang 30 tauhan nito isinagawang random testing para sa droga.
Ang naturang drug testing ay pinangunahan ng Department of Health-Center for Health Development-1 dahil sa naging pagbisita ni Secretary of Interior and Local Government Benjamin Abalos sa Dagupan para sa kanyang BIDA program.
Ayon kay Jail Supt. Roque Constantino Sison II na ang drug tests na ito ay ginawa bilang suporta sa BIDA program ng Kalihim na kumakatawan sa Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan sa Dagupan City sa pamamagitan ng isang fun run na nilahukan ng nasa mahigit 13,000 partisipante.
Ayon pa kay Sison, natuwa si Abalos at BJMP Regional Director na JCSupt Jolly Taguiam Jr. na bumisita sa Dagupan BJMP-MD, dahil sa pagiging zero-drug incidence sa lugar.
Hinangaan din ni Abalos ang pasilidad dahil napapanatili nito ang pagiging drug-free ng pasilidad na ito
Sinabi ni Sison na ang regular na gawain sa mga aktibidad laban sa droga ay ang mahigpit na search and inspection procedures sa lahat ng bagahe na pumapasok, physical checking ng mga bisita, pagkakaroon ng regular na greyhound at quarterly o random drug test sa pakikipag-ugnayan sa DOH Region 1 ay ang dahilan ng pagkakaroon ng malinis na pasilidad.
Dagdag pa niya, nagpapatupad din sila ng iba’t ibang welfare programs para sa lahat ng drug offender-PDL, ibig sabihin, sa pamamagitan ng edukasyon sa pag-enrol sa kanila sa Alternative Learning System, sa mga kursong Technical Education at Skills Development Authority at maging sa kursong kolehiyo.
Ang Therapeutic Community Modality Program at drug symposium sa kanilang mga PDL bilang paghahanda sa kanilang paglaya ay isinasagawa din para sa inmates.
Samantala, base sa pinakahuling monitoring nito lamang May 2, 2023, mayroong 688 PDL ang nasa loob ngayon ng Male Dormitory.

Facebook Comments