Isang 101 years old na lola, nakasungkit ng gintong medalya sa 100 meter dash sa world masters game sa New Zealand

New Zealand -Isang 101 years old na lola mula sa India ang hinahangaan ngayon dahil sa kakaiba nitong determinasyon kahit pa late-bloomer na pagdating sa usapin ng pagiging atleta.

“Age doesn’t matter” – ito ang sinabi ni Great-Grandmother Man Kaur kung saan agaw eksena siya sa World Masters Game matapos na manalo ng ginto sa 100-meter dash sa 100+ age category.

At take note, natapos lamang ni lola Man Kaur ang nasabing takbuhan sa loob ng 74 segundo kung saan hindi pa rin makapaniwala ang mga mas bata sa kaniya na kaniyang nakasabayan sa naturang event.


Kwento ni Loal Man Kaur, 93 years old siya nang magsimulang tumakbo at hindi niya alintala ang mga nararamdamang sakit sa katawan kapag natapos na ang ensayo.

Napag-alaman pa na plano ni lola na mag-level up sa pagsali ng event dahil plano nitong sumali sa 200-m dash, javelin throw at shot put.

Facebook Comments