ISANG 11 TAONG GULANG NASAGASAAN AT NAMATAY SA SURIGAO DEL NORTE

ISANG 11 TAONG GULANG NASAGASAAN AT NAMATAY SA SURIGAO DEL NORTE. Kinilala ang biktima na si Janlyn Estor Clemencio, 11 taong gulang at naninirahan sa Purok 8 Brgy. Alipao, Alegria, Surigao del Norte. Ang nakasagasa ang isang Nissan Urban VX, na may plate number AIA 1327, na minamaneho ni Victoriano Garis Loterte, 36 taong gulang, may asawa at mula sa Purok 6, Brgy. Taligaman, Butuan City. ​Sa imbestigasyon ng mga otoridad, noong mangyari ang aksidente, ang sasakyan ang binabaybay ang National Highway mula Butuan City patungong Surigao City samantalang noong mga oras ding iyon ang 11 taong gulang na si Clemencio ay nakatayo sa gilid ng National Highway at aksidenteng nasagasaan. Ito’y nakatamo ng iba’t ibang sugat sa katawan at dinala kaagad sa Kitcharao District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor. Matapos ang aksidente, ang driver ng sasakyan na si Loterte ay boluntaryong sumurender sa Tubod Municipal Police Station na kalaunay itinurn-over rin sa Alegria Municipal Police Station. Sa ngayon ito’y nakatakdang sampahan ng kaso sa Reckless Imprudence resulting to Homicide.

Sent from my iPhone

Facebook Comments