Manila, Philippines – Hinahangaan ngayon ang isang 31-anyos na lalaki matapos ang ipinakita nitong galing pagdating sa mountain climbing.
Si Alex Honnold, na mula sa Northern California ay nagawang akyatin ang El Capitan Granite Wall sa loob ng Yosemite National Park sa Sierra Nevada Mountains ng wala man lang suot na harness at safety gear.
Dahil dito, siya ang kauna-unahang mountain climber na naka-akyat sa 3,000 foot na taas ng vertical rock formation na ito kung saan araw-araw daw siyang nagpa-practice para makamit niya ang matagal nang pinapangarap.
Sa una ay nahirapan si Alex dahil medyo madulas ang mga bato pero dahil na din sa mga taong nagchi-cheer at nagtitiwala sa kaniya ay narating nito ang tuktok at umaasang makakasama siya sa guiness world record.
DZXL558