Isang 45 taong gulang na mister nakuryenti at namatay sa Bacuag,Surigao Del Norte

Isang 45 taong gulang na mister nakuryenti at namatay sa Bacuag,Surigao Del Norte. Kinilala ang biktima na si Fidel Perocho Asumen, 45 taong gulang, may asawa at skilled worker ng OIC Construction. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, itinatayo ng biktima at mga kasamahan ang Bacuag Municipal covered court nang aksidente na masagi nito ang live wire sa welding machine. Dinala pa si Asumen sa Surigao del Norte Provincial Hospital at Brgy. Sta. Cruz, Placer ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Sent from my iPhone

Facebook Comments