ISANG 50 TAONG GULANG NA NAPAGDUDAHANG MIYEMBRO NG MAUTE GROUP SA SURIGAO CITY NAKABIYAHE NA

168

ISANG 50 TAONG GULANG NA NAPAGDUDAHANG MIYEMBRO NG MAUTE GROUP SA SURIGAO CITY NAKABIYAHE NA Nakabiyahe na pabalik ng Legaspi City,Albay ang Isang Abdul Azis Umpara, 50 taong gulang at isang Maranao, ito’y matapos isinailalim sa iilang oras na interrogasyon at background check nang napagdudahang miyembro ng Maute Group. Ayon sa Chief of Police na si Supt. Jay Baybayan, itinurn-over na nila si Umpara sa Phil Coastguard at pinasakay ng Bus via Lipata Port at binigyan ng P1,000 bilang pamasahe. Kung matatandaan noong Linggo hinarang sa pagsakay ng bus papuntang Legaspi City si Umpara dahil walang maipresentang ID maliban sa dala-dala nitong cedula at kahawig pa ng isa sa mga lider ng Maute na si alias Hafid ngunit matapos ang pag-iimbestigaha ng mga otoridad napatunayang inosente ito at hindi miyembro ng mga terrorista.

Sent from my iPhone


Facebook Comments