Isang 60 taong gulang binaril at namatay sa Alegria, Surigao Del Norte

Isang 60 taong gulang binaril at namatay sa Alegria, Surigao Del Norte Kinilala ang biktima na si Meliton Villagorda Catampungan, 60 taong gulang, Civil Security Unit ng lokal na pamahalaan ng Alegria. Ang mga suspek ang dalawang hindi pa kilalang mga lalaki, gamit sa pamamaril ang .45 calibre ng baril. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad habang nakigpag-inuman ang biktima kasama ang kaibigan sa loob ng tindahan sa Brgy. Quano, Alegria biglang may lalaking lumapit at namaril. Ang biktimng si Catampungan ang tinamaan sa kaliwang bahagi ng dibdib at dalawang sugat sa kaliwang balikat na naging dahilan sa kamatayan nito. Ang mga suspek diumano’y may suot na bonnet at helmet noong isagawa ang pamamaril. Matapos ang krimen umalis kaagad ang namaril kasama ang isang lalaking nakamotorsiklo sa labas. Hanggang sa mga oras na ito nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagtukoy sa motibo sa krimen.

Sent from my iPhone

Facebook Comments