Mandaluyong City. Isang maswerteng tumatangkilik ng palarong Megalotto 6/45 ng PCSO ang nakapag-uwi ng jackpot prize na nagkakahalaga ng Php 72,372,679.40 na binola noong Lunes, ika-2 ng Marso 2020. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gaming Sector, ang tiket na may kombinasyon na 08, 13, 36, 22, 04 at 03 ay nabili sa isang lotto outlet na matatagpuan sa Antipolo City, Rizal.
Samantala, 36 na maswerteng manlalaro naman ang nakakuha ng limang tamang numero at makakapag-uwi ng tig Php 29,210.00. Mag-uuwi naman ng tig-Php 490.00 ang 1,696 na manlalaro na nakakuha ng apat na tamang numero at ang 28,016 naman na manlalaro na may 3 tamang numero ang mag-uuwi ng tig-Php 24.00 o balik taya. Ang 6/45 Megalotto ay nilalaro tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes alas-9 ng gabi at mapapanood ng live sa PTV 4.
Malugod na nagpapasalamat ang mga opisyal at kawani ng PCSO sa mga masusugid na tagatangkilik ng lahat ng produkto ng PCSO tulad ng Lotto, KENO, Sweepstakes, STL at Scratch-It. Ang inyong walang sawang suporta sa aming mga produkto ang nagbibigay daan sa patuloy na tulong pangkalusugan at pagbibigay ng kawanggawang serbisyo sa ating mga kababayan sa buong bansa. Sa bawat tiket na inyong binili, mas malaki ang pagkakataong maging milyonaryo, nakasisigurado pang makakatulong sa mga nangangailangan.
Para sa mga winning combination at schedule ng iba pang PCSO gaming products ay maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PCSO sa www.pcso.gov.ph at FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at youtube account PCSO GOV.