Isang abogado at komentarista sa Cebu sinampahan ng kasong rape

419

Pormal nang inihain ng National Bureau of Investigation -7 ang kasong rape laban sa isang abogado at brodkaster ng Brigada News-FM sa lungsod ng Cebu .

Ang kasong rape ay isinampa ng NBI-7 sa piskaliya , mahigit isang lingo matapos dumulog sa kanilang tanggapan ang mga magulang ng 13 taong gulang na nag-akusa kay Atty. Juril Broka Patiño na nangmolestiya sa kaniya sa loob mimo ng sasakyan nito.


Pinabulaanan naman ng 32-taong gulang na si Patiño ang mga akusasyon laban sa kaniya .

Binigyan si Patiño ng piskaliya ng panahon na magsumiti ng counter-affidavit at sagutin ang mga paratang laban sa kaniya .

Facebook Comments