Isang airport staff, dinuro-duro ng pasahero dahil sa delayed flight, viral

Screenshot via Netizen Watchdog on Youtube

Viral ang video ng isang pasahero na pinaluhod, pinag-sorry at ipinahiya ang isang airport staff sa China dahil sa delayed flight.

Na-delay ang flight sa masamang panahon dahilan para mag-aantay ang mga pasahero ng West Air mula Zhengzhou papuntang Shenzhen.

Makikita ring tumanggi ang airport staff sa pinapagawa ng pasahero.


Nagpaliwanag naman ang airport staff na ginagawa lamang nito ang kaniyang trabaho.

Umani naman ng batikos mula sa netizens ang nasabing pagtrato ng pasahero sa airport staff.

Narito ang kabuuan ng video:

Facebook Comments