Isang alyansa ng mga manggagawa, hindi pabor sa extension ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Tututulan ng isang koalisyon ng mga manggagawa ang balak na dugtungan pa ang buhay ng na martial law sa Mindanao.

Ayon kay Julius Cainglet, convenor ng grupong Nagkaisa, sobrang magastos at hindi produktibo ang military experiment ng administrasyong Duterte.

Naniniwala ang Nagkaisa, na sapat na ang kakayahan at kaalaman ng mga sundalo at pulis upang tapusin ang kaguluhan sa Marawi City at tuloy-tuloy na supilin ang terorismo.


Maitataguyod din naman aniya ang muling pagbangon ng Marawi City nang hindi na palalawigin pa ang batas military.

Facebook Comments