Isang animal advocate, hinikayat ang publiko na protektahan ang mga alagang hayop sa gagawing pagdiriwang ng Bagong Taon

Nagpaalala ang animal welfare advocate sa mga fur parent na huwag hayaang magdulot ng pagkabalisa at takot sa mga alagang hayop ang sobra-sobrang kasiyahan sa pagdiriwang sa pagdating ng 2025.

Ayon kay Atty. Heidi Caguioa, program director ng Animal Kingdom Foundation, mga walang boses ang mga hayop, lalo na ang mga ligaw na hayop na lubhang maapektuhan ng gagawing pagpapaputok mamayang hatinggabi.

Kung may epekto sa tao ang malalakas na ingay, maliwanag na ilaw, polusyon sa hangin, higit na may negatibong epekto sa mga hayop.


Hinihikayat ng grupo ang publiko na tuklasin ang mga alternatibong paraan ng pagsasaya na maaaring maprotektahan ang mga tao at hayop.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng lahat sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Dadgag ni Caguioa, simulan dapat ng lahat ang taon sa pamamagitan ng paggawa ng mga mahabaging desisyon para sa mas magandang bukas para sa lahat.

Facebook Comments