Isang apartment, nasunog sa Brgy. Don Manuel sa Quezon City

300

Quezon City – Nasunog ang isang paupahang bahay sa Brgy. Don Manuel, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa Quezon City Fire Department, pasado alas-2:00 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa isa sa mga pinapaupahang kwarto sa number 101 N. Ramirez Street.

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog na agad din namang naapula ng mga rumespondeng bumbero ganap na alas 2:47 ng madaling araw.


Anim na pamilya ang apektado ng sunog kung saan wala naman nasugatan o nasawi habang patuloy na iniimbestigahan pa ang sanhi ng apoy at ang halaga ng pinsala nito.

Facebook Comments