Isang araw bago isara ang Manila South Cemetery, Mga residente, sinamantala ang paghahanap-buhay

Dahil hindi masyadong naghigpit ang pamunuaan ng Manila South Cemetery sa mga pwedeng magtinda sa gilid nito, ilang mga residente na nakakatira malapit sa nasabing sementeryo ay sinamantala ang pagkakataon na makapaghanap-buhay.

Tulad ng pay parking para sa mga motorsiklo, sa halagang P30, safe na safe na iyong motor, hindi na ito mahahatak dahil bawal magparada sa gilid ng kalsada.

Meron din nagbebenta ng pagkain at inummin.


Ilang hakbang ang layo mula sa sementeryo, makikita rin ang ilang nakahilerang nagbebenta naman ng bulalak at kandila.

P50 hanggang P200 ang halaga ng bulaklak na ibenebenta.

Anila, sinasamantala nila ang pagkakaton dahil ngayon taon lang ulit hindi ipinagbawal ang pagtinda sa gilid ng kalsada malapit sa Manila South Cemetery.

Kahit isang araw, umaasa sila na kahit papano kikita sila at maibalik ang kanilang inutang napuhunan.

Facebook Comments