Manila, Philippines – inihain ni ni Senate President Tito Sotto III ang Senate Resolution No. 1002 na nagpapadeklara sa unang huwebes ng pebrero bilang araw ng Synchronized National Interfaith Prayers for Peace and Reconciliation.
Ang hakbang ni Sotto ay kasunod ng mga pagpapasabog sa isang simbahang katoliko sa Mindanao at sa isang mosque sa Zamboanga City.
Ayon kay Sotto, layunin nito na hikayatin ang lahat ng mga Filipino, anuman ang relihiyon, lahi at katayuan sa buhay, na magdasal para sa kapayapaan at pagkakaisa ng bansa.
Sabi ni Sotto, maari ding sundan ang Prayer for Peace in the Philippines isinulat ng PasaLord Prayer Movement at isinalin sa wikang English, Filipino, Cebuano at Hiligaynnon.
Facebook Comments