Isang araw na subsistence allowance ng mga tauhan ng Philippine Army, ibinigay sa mga pamilyang sinalanta ng mga nagdaang bagyo

Kahit may pandemya, ramdam na ramdam ang diwa ng Pasko sa hanay ng Philippine Army.

Ito ay dahil ang isang araw nilang subsistence allowance ay dinonate nila sa mga pamilyang nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

Kahapon pinangunahan ni Philippine Army Lietenant General Cirilito Sobejana ang turn-over ceremony ng donasyong isang araw na subsistence allowance ng mga Army na aabot sa halos ₱14 million.


Ibinigay niya ito kay Department of National Defense (DND) Undersecretary Ricardo Jalad sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon.

Partikular itong itutulong sa pamilyang matinding sinalanta ng bagyo sa Catanduanes at Cagayan Valley.

Nagpapasalamat naman si Sobejana sa kanyang lahat ng tauhan sa ipinakitang kabutihan para makatulong sa mga nangangailangan na totoong diwa ng pasko.

Mensahe pa ni Sobejana sa kanyang mga tauhan na maliit man na halaga kapag ito ay pinagsama-sama napakalaking kontribusyon ito para sa pag-ahon muli ng mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad.

Facebook Comments