Magsasagawa ang Commission on Election (Comelec) ng isang araw na nationwide synchronized mall registration sa September 11.
Kasunod ito ng napipintong deadline ng voter registration para sa 2022 elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, maaring tumanggap ang election officer (OEO) sa Metro Manila ng aplikante sa piling malls ng Robinsons Mall, Ayala Malls, SM Supermalls hanggang alas-5:00 ng hapon.
Aniya, lahat ng iskedyul ng mall registration ngayong Setyembre ay nakapaskil sa kanilang official website at social media accounts gayundin sa bulletin board ng district, city o municipal halls at OEOs.
Tiniyak naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Col. Luis Maria Pascual na magpapakalat sila ng 351 personnel sa nasabing mga mall para sa maayos na voter registration at pagpapatupad ng health and safety protocols.