ISANG ARCHIVIST, IGINIIT NA SA BONUAN BLUE BEACH SA DAGUPAN CITY, DUMAONG SI GEN. MACARTHUR

Iginiit ng isang archivist na nakabase sa America, na dumaong ang hukbo ni General Douglas MacArthur sa bahagi ng Bonuan Blue Beach Dagupan City noong 1945 sa isinagawang paggunita sa 80th Luzon Landing Anniversary.

Ayon sa records ng Macarthur Memorial sa Norfolk, Virginia USA archivists na si James Zobel, kinumpirma nitong sa nasabing southwest na bahagi ng Lingayen Gulf na sakop ng Bonuan Blue Beach sa lungsod dumaong ang US Boise, sakay si Gen. MacArthur, pasado alas dos noong 9 Enero, 1945.

Sa Kabila ito ng pinagtatalunang usapin kung saan nga ba talaga dumaong si Gen. Macarthur.

Base pa sa kasaysayan, matapos dumaong ni MacArthur, nagsi-atrasan ang lupon ng mga Hapon papasok ng inland dahil sa presensya ng mga amerikano.
Samantala, inihayag naman ni Professor Xiao Chua, isang Public Historian sa panayam nito sa IFM News Dagupan na hindi na importante kung saan nga ba dumaong si MacArthur, bagkus ay kung anong nagawa nito upang tuparin ang pangako nito sa itinuturing na makasaysayang pahayag na ‘ I Shall Return’. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments