ISANG ARTIST MULA SA SAN QUINTIN, KILALANIN

Kilalanin si Jereka Ellan Decano na tubong Barangay Casantamaria-an, San Quintin, Pangasinan na nakilala dahil sa kanyang effortless artwork. Ang klase ng artwork na kanyang ibinida sa social media ay ang “Hole Punch Art”. Maganda ang artwork na ito dahil ito ay eco friendly.
Ayon sakanya, inspirasyon nito ang kanyang mga magulang at pamilya na laging nakasuporta sa lahat ng crafts na kanyang ginagawa. Dagdag nito, marami rin ang nag iinquire at nagpapagawa sakanya. Nakatutulong rin ito para sa pandagdag at pambili ng kaniyang mga art materials, sa iba pang mga gastusin at lalong lalo na isa ito sa kanyang paraan para ma-relieve ang kanyang stress at anxiety.
Nais niyang sabihin sa mga kapwa aspiring artist, maniwala lang kayo sa inyong sarili, sa inyong kakayahan at ang pinakamahalaga ay ienjoy at mahalin ninyo ang passion niyo. Congratulations idol from iFM DAGUPAN. |ifmnews

Facebook Comments