Isang aso, tinanghal na may pinakamahabang dila

Panghimagas – Idineklarang world record holder ang isang aso mula sa South Dakota, USA dahil sa napakahaba nitong dila.

Nasa 7.31 inches kasi ang dila ng St. Bernard na si Mochi kaya siya ang tinanghal na asong may pinakamahabang dila sa mundo.

Tinalo ni Mochi ang dating may hawak ng world record na isang pekingese kung saan 4.5 inches ang haba ng dila nito.


Ayon sa amo ni Mochi na si Carla Rickert, inampon niya ito anim na taon na ang nakakaraan mula sa isang organisasyon na sumasagip sa mga inabuso o inabandonang mga aso.

Sinabi naman ni Rickert na may negatibo ring dulot ang pagkakaroon ng napakahabang dila ni Mochi.

Minsan kasi aniya ay nahihirapan sa paghinga si Mochi at hindi rin madali sa kanya ang pumulot ng mga bagay sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Sa kabila naman aniya nito, nananatiling masayahing aso si Mochi, na mahilig magsuot ng costume at kumain ng kamote.

Facebook Comments