Nagpaabot ng pakikiramay ang Davao Swimming Community sa kanilang coach at isang atleta na sumali sa Ironman 70.3 event kahapon, March 26, 2023 dito sa Davao City.
Ilang nanalo na swimming athletes ang inalay ang kanilang mga medalya sa namatay na atleta na si Jerry Kasim, 49 anyos, empleyado ng Department of Education (DepEd Davao).
Kaugnay ito sa kumpirmasyon ng Alveo Ironman 70.3 organizers na binawian ng buhay ang nasabing atleta sa swim portion ng Ironman race.
Dinala pa sa ospital ang biktima pero hindi na ito naisalba pa kung saan sinasabing na-heart attack umano ang atleta.
Samantala, nagulantang ang Dabawenyos sa isa pang insidente kaugnay sa inilunsad na Ironman event kahapon kung saan isang 18 anyos na lalaki na si Gerald Ray Tayag, nanonood lang ng Ironman, ang naoperahan sa ulo at ngayoy na-coma matapos nabangga ng isang cyclist sa bike course sa Barangay Holy Child, Panabo City, Davao del Norte.
Sa panayam ng RMN Davao kang Geraldine Tayag, ina ng bata, ayon pa na kinuha lang umano ng kanyang anak ang itinapong tumbler ng naunang cyclist pero hindi ito nabantayan ang sumunod na cyclist at nabangga ito.
Napag alamang isang cyclist din ang biktima pero hindi ito sumali sa event.
Dasal naman ang hiling ng pamilya na agad makarekober ang binata.
Dagdag ng ina, wala pang organizer ng Ironman ang nag-contact sa kanila hinggil sa nangyaring insidente.