Isang babae, arestado matapos mahulihan ng mga drug paraphernalia sa Sampaloc, Maynila

Hindi na nakapalag pa ang isang babae nang maaktuhan ito ng isang barangay kagawad na hawak-hawak ang mga drug paraphernalia sa Kundiman Street sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Carla Chavez, 42-anyos na pansamantalang naninirahan sa bangketa ng Kundiman Street.

Nabatid na nagsasagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng barangay 500 zone 49 nang makita nila si Chavez na tila katatapos lang gumamit ng iligal na droga.


Mismomg amg barangay kagawad na si Ariel Policarpio ang umaresto sa suspek kung saan pinakiusapan pa ito para lumabas lamang ng kaniyang itinayong barong-barong na gawa sa tarpaulin.

Nakuha sa kaniya ang isang strip at isang rolyo ng aluminum foil kasama na ang isang disposable lighter.

Aminado si Carla na gumagamit ng iligal na droga pero ayaw naman sabihin kung sino ang source nito saka sinabing kusa na siyang sumama para matigil na din sa kaniyang bisyo.

Facebook Comments