Isang Babae, Patay Matapos Tumalon sa Balon!

Santa Maria, Isabela- Pinaniniwalaang nagpakamatay ang isang babae matapos itong tumalon sa balon kamakailan sa Barangay Villabuena, Santa Maria, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Gema Sibayan, trentay syete anyos, may-asawa at residente ng naturang barangay.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Sta. Maria, nakatanggap umano ng tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang himpilan na mayroon umanong nakitang tumalon sa naturang balon.


Agad namang nirespundehan ng kapulisan ang naturang insidente at naisugod pa ng ilang Barangay officials sa pagamutan ang biktima subalit ideneklara rin itong Dead on Arrival.

Napag-alaman din ng pulisya base sa pahayag ng pamilya ng biktima, na mayroon umano itong suliranin sa pag-iisip kaya’t nagawang tumalon sa kanilang Balon at hindi rin umano nila ito nakita dahil gabi na ng mangyari ang insidente.

Malaki naman umano ang paniniwala ng pamilya ng biktima na nagpakamatay ito kaya’t tumanggi nang isailalim sa Autopsy.

Facebook Comments