Isang babae, patay sa sunog sa Las Piñas

Kinumpirma ni FSupr. Christopher Angot, fire marshal ng Las Piñas – Bureau of Fire Protection (BFP) na isang babae ang nasawi sa nangyaring sunog sa lungsod kaninang alas-7:55 ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Raniel Peña, 15 taong gulang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas BFP, na-trap ang biktima sa ground floor ng nasusunog nilang bahay sa Barangay Pulang Lupa Dos.


Umabot sa unang alarma ang sunog at ganap na naapula alas-8:54 ng umaga.

Walang ibang bahay na nadamay sa sunog pero habang umabot sa P380,000 ang halaga ng pinsala nito.

Facebook Comments