Isang babae, tumalon sa jeep matapos matakot sa driver

Quezon City – Napatalon sa sinasakyang jeep ang isang babaeng estudyante matapos matakot sa kilos ng jeepney driver sa Ascencion kanto Misa De Gallo Brgy. Greater Lagro QC.

Sa salaysay ng biktima, na itinago sa pangalang Kiera sumakay siya ng jeep kasama ang kamag aral namay byaheng Anonas Largo.

Bumaba ang kaibigan sa Largo hanggang mag-isa nalang itong na nakasakay sa jeep.


Sa dulo nakaupo ang biktima pero pilit siyang sinisilip ng driver sa pamamagitan ng salamin.

Dahil hindi na komportable pumara ang biktima sa mataong lugar.

Pero imbes na huminto humarurot umano sa pagpapatakbo ang driver kaya nag sisigaw na siya at naisipang tumalon na nagresulta sa kanyang pagkasugat.

Depensya ng driver na si Jelord Narvaza, 28 gulang hindi niya narinig ang pag para ng nasabing estudyante.

Gayunman malabo umano ito dahil ayon sa biktima, walang tugtog sa jeep at mag isa lang siyang nakasakay.

Nasa kostodiya na ng pulisya ang jeepney driver at posibleng sampahan ng kasong grave coercion at physical injuries.

Facebook Comments