Isang babaeng kadete mula Ilocos, nanguna sa PMA Class of 2019

Nanguna sa Top 10 ng Philippine Military Academy (PMA) mabalasik Class of 2019 si Cadet 1st class Dionne Mae Umalla, ng Alilen, Ilocos Sur.

Ayon kay PMA Spokesperson Major Reynan Afan, class valedictorian si Umalla na tatanggap ng Presidential Saber mula kay Pangulong Duterte, Philippine Navy Saber mula naman kay Philippine Navy flag officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad at distinguished cadet award, academic group award at iba pa.

Si Umalla ay mapapabilang sa Philippine Navy.


Si Umalla ang ika-limang babae na naging class valedictorian sa PMA simula noong 1993.

Maliban kay Umalla, pasok rin sa Top 10 ng PMA Mabalasik 2019 sina:

Top 2: Cadet 1st class Jonathan Eslao Mendoza Sangley Point, mula Sangley Point, Cavite

Top 3: Cadet 1st class Jahziel Gumapac Tandoc mula sa La Trinidad, Benguet

Top 4: Cadet 1st class Daniel Heinz Bugnosen Lucas mula Barlig, Mt. Province

Top 5: Cadet 1st class Aldren Maambong Altamero mula Kidapawan City, North Cotobato

Top 6: Cadet 1st class Richard Balabag Lonogan mula Sagada, Mt.Province

Top 7: Cadet 1st class Marnel Dinihay Fundales mula Iloilo

Top 8: Cadet 1st class Glyn Elinor Buansi Marapao mula Benguet

Top 9: Cadet 1st class Ruth Angelique Ricardo Pasos mula Pasig City

Top 10: Cadet 1st class Daryl James Jalgalado Ligutan mula sa Sta.Mesa, Manila

Gaganapin ang graduation ceremony sa May 26, araw ng Linggo kung saan inaasahang si Pangulong Duterte ang magiging guest of honor and speaker.

Facebook Comments