Isang babaeng napaanak sa hagdan ng mall sa CDO, dati nang nanaganak sa taxi

Photo courtesy from ABS-CBN News

Napaanak sa hagdan ng isang mall si Honey Mae Gawat nitong Lunes sa Cagayan De Oro City.

Kaagad na rumesponde ang awtoridad na naroon sa lugar at ligtas na nailabas ang sanggol sa sinapupunan. Pinangalanan itong Jhailhea at may timbang na 3.4 kilos.

Ayon sa midwife ng barangay, kapag kabuwanan na ng isang buntis ay mainam na nasa bahay lamang ito upang maging maayos at ligtas ang panganganak nito anumang oras.


Nnanganak si Gawat sa loob naman ng taxi noong 2017 upang mailabas ang pang-5 na anak.

Facebook Comments