Hindi na pumalag pa ang isang babae sa Makati City matapos itong arestuhin ng dahil sa ipinagbabawal na droga.
Nakilala ang suspek na si Marites Gonzales Tamonte, 44-anyos, at nakatira sa No. 194-A Guiho St., Cembo, Makati City.
Nasamsam ng mga pulis mula sa kanyang ang dalawang pirasong sachet o .4 grams na umano’y shabu na may katumbas na halaga na ₱2,720.
Nakuha rin sa suspek ang isang unit ng cellphone na hinihinalang naglalaman ng mga contact number ng kanyang mga parokyano at maaari ring contact number ng kanyang pinagkukunan ng ipinagbabawal na droga.
Ayon sa ulat ng Makati Police, naabutan nilang pagala-gala ang babaeng suspek sa kahabaan ng Caimito St., Brgy. Cembo, pasado alas-2:40 kaninang madaling araw.
Kaya naman sinita nila ito dahil maliban sa walang suot na face mask, nilabag din nito ang curfew ordinance.
Nang kapkapan ito ng mga pulis doon nakuhan ang umano’y shabu.
Kaya naman agad itong dinala sa Makati Police Community Precinct 8.
Nahaharap ang nasabing babaeng suspek sa patung-patong na kaso kabilang na dito ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.