Kulungan ang tuloy ng isang sinitang babae sa Taguig City na walang suot na face mask at faceshield, matapos itong makuhanan ng pinaghihinalaang shabu.
Nakilala ang suspek na si Ma. Teresa Gamma Victoria, 49-anyos, at residente ng Barangay Sta. Ana, Pateros.
Nakuha mula sa kaniya ang isang maliit na sachet ng plastic na may lamang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P5,440.
Ayon kay PCpl. Annejean Bautista, tatawid sana ang suspek sa isang checkpoint sa boundary ng Pateros-Taguig sa may General Luna St., Barangay Ususan, pasado alas 3:20 ng hapon kahapon nang sitahin ang suspek nang dahil sa hindi pasgsusuot ng face mask at faceshield.
Dito na nila napansin ang kahina-hinalang kinikilos ng suspek kung kaya’t nag desisyon silang mag-body search at doon napag-alaman na may dalang shabu ang suspek.
Nakakulong na ang suspek sa Taguig PNP custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.