Isang babaeng tattoo artist sa Brazil, pinipilahan ng mga kliyente dahil sa nanakatuwa nitong mga design

Panghimagas – Viral ngayon ang isang 26-anyos na babae dahil sa nakakatuwa nitong mga design ng tattoo.

Si Helena Fernandes, na nagsimulang maging tattoo artist nitong taon lamang ay pinipilahan ng mga kliyente matapos itong mag-post ng kaniyang design.

Nabatid kasi na hindi kagandahan o walang drawing skills si Helena pero ito ang kaniyang naging paraan para maging successful sa mundo ng mga pintados.


Hindi naging madali para kay Helen ang maging artist dahil magmula ng maging viral ang kaniyang mga litrato o design, ay kinukutya ito ng ibang tatoo artist pero hindi siya nagpatalo sa mga ito.

Sa ngayon, mayroong limampung design na nakakatuwa si Helen at makikita ito sa kaniyang social media na may screen name na “Malfeitona”.

Facebook Comments