Manila, Philippines – Ibinabala ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV ang demoralisasyon sa hanay ng mga sundalo.
Ayon kay Trillanes, ito ay kasunod ng pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Paliwanag ni Trillanes, hindi na ngayon malaman ng mga sundalo kung kapayapaan o giyera ba sa rebeldeng grupo ang polisya ng administrasyong Duterte.
Duda rin si Trillanes na makakamit ang tunay na kapayapaan sa komunistang grupo.
Buo ang paniniwala ni Trillanes, na habang nakaupo si Pangulong Duterte ay lalakas at lalakas ang mga komunista.
Facebook Comments