Tondo – Hubo’t hubad pa nang matagpuang patay ang isang bading matapos pagsasaksakin ng isang lalaki na kaniyang kainuman sa loob ng bahay nito sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Arnold Borlongan, tinatayang 50-55-anyos, TUBONG BULACAN, nangungupahan sa no. 1145 interior-a, B. Vargas Street.
Inaalam naman ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na inilarawan na nasa 5’4 ang taas at may edad 30-35.
Ayon sa Manila Police District (MPD) -homicide section, nadiskubre na lamang ang wala ng buhay na biktima sa loob ng kanyang kuwarto na tadtad ng saksak sa katawan nang manigil ng renta ang kasera nito na si Nenita Swing.
Narekober naman sa crime scene ang isang 11-pulgadang haba ng isang duguang kutsilyo.
Facebook Comments