Isang bagon ng MRT-3 umusok, mga pasahero pinababa

Naantala ang biyahe ng Metro Rail Transit-3 o mrt 3 matapos umusok ang isang bagon nito sa pagitan ng cubao at santolan station sa southbound pasado alas-6:00 ng gabi kanina.

 

Agad na pinababa ang mga pasahero at pinabalik sa cubao station kung saan nabatid na kaaalis lamang nito.

 

Hindi pa din matukoy kung anong dahilan ng insidente pero wala naman naitalang pasahero ang sugatan.


 

Makalipas naman ang halos kalahating orasa nahatak na din ang tren pabalik sa depot nito pero wala pa din inilalabas na official na report ang pamunuan ng mrt.

Facebook Comments