ISANG BAHAY SA ALCALA, NATUPOK NG APOY; LOLANG NA-TRAP SA LOOB, HINDI NAKALIGTAS

CAUAYAN CITY – Hindi nakaligtas sa sunog ang isang lola matapos na matupok ng apoy ang bahay nito sa Barangay Afusing Daga, Alcala, Cagayan.

Nakatanggap umano ng ulat ang Alcala Fire Station hinggil sa naturang insidente bandang alas-dos ng madaling araw ngayong araw, ika-27 ng Marso.

Dahil gawa umano sa light materials ang bahay ay mabilis itong nilamon ng apoy dahilan upang hindi na nagawang makalabas pa ng biktima na nagsanhi sa kanyang pagkamatay.


Wala naman umanong ibang nadamay na kabahayan o indibidwal sa naturang insidente.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Alcala Fire Station upang matukoy ang sanhi at pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments