ISANG BAHAY SA BARANGAY MACAYUG, SAN JACINTO, NASUNOG

Nasunog ang isang dalawang-palapag na bahay sa Barangay Macayug, San Jacinto bandang alas-7 ng gabi noong Lunes, Nobyembre 17.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Jacinto, nagsimula ang apoy mula sa electrical system ng bahay.

Nagdeklara naman ng fire out ang tanggapan makalipas ang dalawampung minuto matapos mabilis na marating ang lugar ng sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan o nadamay sa insidente.

Samantala, agad namang nagbigay ng tulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Jacinto at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng karagdagang suporta sa pamilyang nasunugan.

Kaugnay nito, nagpaalala anman ang BFP San Jacinto sa publiko ukol sa mga dapat gawin upang maiwasan ang sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments