ISANG BAHAY SA BAYAN NG SAN MATEO, NASUNOG; IMBESTIGASYON, NAGPAPATULOY

Cauayan City – Bahagyang nasunog ang ilang bahagi ng isang bahay sa Brgy. San Roque, San Mateo, Isabela nito lamang ika-8 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Senior Fire Officer 1 Jimmy Jay Cabal, Chief Operation Section ng San Mateo Fire Station, hanggang ngayon ay kasalukuyan pa rin ang isinasagawa nilang imbestigasyon hinggil sa posibleng pinagmulan ng apoy.

Aniya, tumagal ng siyam na minuto ang pag-apula ng sunog kung saan dalawang firetrucks ang kanilang nagamit.


Bagama’t malaki ang iniwang pinsala ng apoy, maswerte namang walang nasaktan o nasugatan sa nangyaring insidente.

Samantala, ayon kay Senior Fire Officer 1 Cabal, ito na ang pang-apat na residential o structure fire na naitala sa bayan ng San Mateo simula noong buwan ng Enero.

Facebook Comments