Isang Bahay sa Cauayan City, Isabela, Nasunog!

418

*Cauayan City, Isabela-* Tinupok ng apoy ang buong bahay ng isang mag-asawa pasado alas onse ng umaga noong Disyembre 31, 2018 sa Brgy. Santa Luciana, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Herbert P. Garcia At Elsie Garcia na residente ng Purok 3, Santa Luciana, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Senior Fire Officer 1 Eliseo Cabasal ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan City, loose connection sa ilaw ang nakikitang pinagmulan ng sunog mula sa loob ng kwarto ng mag-asawa.

Aniya, natupok agad ang buong bahay dahil gawa lamang ito sa light materials at tinatayang nasa humigit kumulang na tatlong daang libong piso (P300,000.00) ang napinsala ng sunog.

Wala naman umanong naitalang nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog.
Paalala naman ni SFO1 Cabasal sa lahat na laging mag-iingat at suriing mabuti ang mga gamit sa bahay upang makaiwas sa anumang sunog.

Facebook Comments

From Advertisers