Nasunog ang isang bahay sa San Jacinto, Pangasinan noong Martes ng hapon, Disyembre 23 na agad namang narespondehan ng BFP.
Ayon sa ulat, ang nasabing tirahan ay isang 2-storey building na gawa sa light materials at pagmamay-ari ng isang 68-anyos na lalaking residente ng Purok 7, Barangay Bagong Pag-asa.
Idineklara ng BFP Fire Marshal ng San Jacinto ang sunog na “fire out” makalipas ang sampung minuto.
Batay sa imbestigasyon, galing umano sa open flame mula sa nakaligtaang niluluto ang sunog.
Gayunpaman, walang namang naiulat na nasaktan sa insidente.
Samantala, nagpaalala naman ang BFP sa publiko ng mga pag-iingat na dapat isaalang-alang lalo na sa mga naghahanda ngayong pasko maging sa pagsapit ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









