Isang Bahay, Tinupok ng Apoy sa San Mateo, Isabela!

1903

*San Mateo, Isabela-* Dalawang pamilya ang nawalan ng bahay matapos masunog ang kanilang tirahan sa Purok 2, Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa BFP San Mateo, pasado alas kwatro ng hapon noong Martes, May 21, 2019 nang tupukin ng apoy ang bahay nina Salvador Castro at Gloria Bacting sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, agad namang rumesponde ang mga bumbero sa lugar para apulahin ang sunog na umakyat naman sa unang alarma.

Batay sa imbestigasyon ng BFP San Mateo na nakalimutang patayin ang nakasinding lutuan na naging sanhi ng sunog.

Wala namang naitalang nasugatan o casualty sa naturang insidente.

Tinatayang aabot sa P40,000.00 ang kabuuang pinsala sa nangyaring sunog.

Facebook Comments

From Advertisers