Isang bakeshop, ipinasara ng Pasig City government matapos mahuling walang suot na face mask ang mga empleyado

Nagbanta si Pasig City Mayor Vico Sotto sa lahat ng mga establisyemento na hindi sumusunod sa ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pagsusuot ng face mask at social distancing na hindi siya mangingiming ipasara gaya ng kanyang ginawa sa isang bakery na nahuli ng Business Establishment Surveillance/Monitoring Team  na walang suot na face mask ang mga empleyado.

Ayon kay Mayor Sotto, suspendido ng isang linggo mula June 23 hanggang June 30, 2020 ang operasyon ng hindi pinangalanang bakeshop.

Paliwanag ni Sotto, nais niyang sumunod ang lahat ng mga negosyante sa Pasig City sa kanilang ipinatutupad na health protocols.


Hinikayat  din ng alkalde ang publiko na makipagtulungan sa kanila at ireport ang mga business establishment na lumalabag sa  mahigpit na pagpapatupad ng health protocols  sa  pagsusuot ng face mask at social distancing.

Facebook Comments