Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na isang bangka pangisda ang lumubog sa karagatan ng Calatagan, Batangas.
Ayon sa PCG, lumubog ang ANITA DJ II, sa layong 7 nautical miles mula sa dalampasigan ng Cape Santiago, Barangay Bagong Silang, Calatagan, Batangas kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat, umalis ang bangka sa Navotas Port at papunta sana sa Palawan fishing grounds nang mangyari ang insidente bandang alas-3:17 ng hapon.
Samantala, nailigtas naman ng coast guard ang 13 tripulante na sakay ng bangka.
Sa ngayon, inaaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng paglubog at iniimbestigahan na rin ang posibilidad o banta ng oil spill sa lugar.
Facebook Comments