Isang Bangkay, Nakita sa Sidewalk

Cauayan City, Isabela – Nakahandusay at wala nang buhay na indibidwal ang natagpuan sa sidewalk ng FN DY Boulevard, San Fermin, Cauayan City, Isabela malapit sa Isabela State University Cauayan Campus.

Sa ulat na nakuha ng RMN Cauayan News Team mula kay SPO2 Arjay Guzman ng PNP Cauayan Investigation Section, ipinaabot sa kanila na may bangkay na nakita sa lugar bandang 6:30 ng umaga Oktubre 4, 2017.

Ang indibidwal ay nakilalang si Flormina Mamauag y Lumelay, 71 anyos, walang asawa, at residente ng Africano St., District III, Cauayan City,Isabela.


Ayon sa PNP, nirespondehan ng Cauayan Rescue 922 ang impormasyon na may nakahandusay na babae sa sidewalk na agad namang iniulat sa city police station.

Sa pagpapahayag ni Emerlinda Cruz y Manias, kamag anak ng namatay, sinabi niya na si Flormina ay nakatira sa kanila at kaninang umaga ay nagpaalam ito upang dalawin ang kanyang kapatid na nakatira sa Brgy San Fermin, Cauayan.

Sa karagdagang pagsisiyasat ng PNP, walang nakitang karahasan sa pagkamatay ng naturang indibidwal at kumbinsido ang kanyang kamag-anak na namatay ito dahil sa stroke sanhi ng dinaramdam nitong sakit sa puso.

Kaugnay nito, mas mainam kaya na sinamahan na lang sana ang naturang indibidwal nang siya ay magpaalam papuntang ibang barangay yaman din lang at alam na may dinaramdam siyang sakit sa puso?


Facebook Comments