Manila, Philippines – Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ang dating barangay chairman at treasurer nito dahil sa katiwalian.
Kasong paglabag sa Section 3 ng Anti Graft and Practices Act ang isinampa kina dating Brgy. Chairman Lara Mae Reyes at Treasurer nito na si Stephanie Belle Maño ng Barangay 748, Zone 81, District V, Manila.
Nag-ugat ang kaso matapos na mag-claim ng reimbursements na 10 libong piso para sa gasolina noong 2004 sina Reyes at Maño kahit na hindi umaandar ang kanilang barangay patrol vehicles.
Base sa desisyon ni Presiding Judge Marlina Manuel ng Manila Regional Trial Court, Branch 25, sina Reyes and Maño ay napatunayang guilty na may parusang anim hanggang sampung taong pagkakakulong at hindi pinapayagan makapagtraho sa anumang tanggapan ng gobyerno.
Bukod dito ang dating dalawang opisyal ng barangay ay convicted din sa four counts of Malversation of Public Funds sa pamamagitan ng Falsification at makulong ng anim hanggang labing tatlong taon at inatasan din ng korte sina Reyes at Maño na magbayad ng 2,500 pesos bawat kaso.