Isang Barangay Chairman ng Gensan-Arestado sa operasyon ng PDEA

General Santos City—arestado sa isinagawang Search Operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-12 ang isang Brgy. Captain, na kasapi umano ng SOGIS drug group, sa Brgy. Tambler, General Santos City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PDEA-12 Director Gil Cesario Castro ang nasabing Barangay Chairman na si ABDUL WAHID BUALAN, 53 y/o, Brgy. Captain ng Barangay Tambler Gensan at residente ng nasabing Barangay.

Narekober kasabay ng operasyon ang 10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P50,000.00.


Sinabi ni Director Castro na matagal na nilang minamanmanan si Kapitan Bualan dahil sa illegal activity nito dito sa lunsod ng Gensan.

Kasong paglabag ng Section 11 (Possession of Illegal Drugs), Article II ng RA 9165, ang kakaharapin ng nasabing Barangay Chairman.
Photo Credit to: PDEA Socksargen

Facebook Comments