Isang barangay sa Caloocan, isasailalim sa 3-day lockdown simula bukas

Isasailalim sa 3-day lockdown ang isang barangay sa Caloocan City bunsod na rin ng mataas na kasong naitatala sa COVID-19.

Simula ala-una ng madaling araw ng Mayo 13, 2020 hanggang gabi ng Mayo 15, 2020 ay isasailalim sa 3-day total lockdown ang Barangay 156 sa Bagong Barrio, Caloocan.

Sa kasalukuyan ay may 21 naitatala nang COVID-19 cases sa barangay.


Sa ilalim ng 3-day lockdown ay hindi muna papayagan ang paglabas ng mga tao sa mga bahay gayundin ang pagdaan ng mga sasakyan palabas at papasok sa barangay maliban na lamang kung may emergency at sarado din ang lahat ng tindahan.

Facebook Comments