Isang Barangay sa Echague, Isabela, Nakaranas ng mga Pagbitak ng Lupa

Cauayan City, Isabela- Nagkabitak-bitak ang ilang bahagi ng kalsada at kabayahayan sa barangay Narra, Echague, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dra. Gretchen Abuena, Municipal Disaster Risk Reduction Officer ng bayan ng Echague, posible aniya na dulot ito ng patuloy na nararanasang pag-ulan kaya’t lumambot ang lupa na sanhi ng pagbiyak nito.

Nasa tatlong bahay aniya ang naapektuhan sa pagbitak ng lupa kung saan nasira ang kanilang mga dingding na lalong hindi pwedeng tirhan ng mga pamilyang apektado.


Inabisuhan naman umalis muna sa bahay ang mga residente na naapektuhan ng pagbitak ng lupa upang maiiwas ang mga ito sa panganib.

Humingi na rin ng tulong ang nasabing ahensya upang suriin at imbestigahan kung ano iba pang dahilan ng pagbitak ng mga lupa.

Samantala, hindi pa rin madaanan sa kasalukuyan ang Annafunan at Gucab Overflow Bridge sa naturang bayan dahilpa rin sa mataas na lebel ng tubig.

Facebook Comments