Isang Barangay sa Lungsod ng Cauayan, Isinailalim sa ECQ

29

Cauayan City, Isabela- Nagsimula na kaninang alas 12:00 ng madaling araw ngayong Agosto 27, 2020 ang pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Barangay Villa Concepcion sa Lungsod ng Cauayan.

Ang ECQ ay magtatagal hanggang 12:00AM ng September 3, 2020 upang magbigay-daan sa isasagawang contact-tracing ng Cauayan City Health Office.

Ito ay matapos mapag-alamang walang travel history ang nagpositibong si CV674 na isang 45 taong gulang na lalaki.

Hinihikayat ang lahat ng residente ng Barangay Villa Concepcion na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa isasagawang contact-tracing at isolation upang mapigilan ang maaaring pagkalat ng sakit dulot ng COVID-19.

Pinaaalalahanan din ang lahat ng mamamayan ng Lungsod na sumunod sa mga health guidelines at protocols na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments